I. kanyang mga dula at ibang sulat na

I. Introduksyon

            A. Kakayahan ng may-akda sa pagsusulat ng
nobela

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

            Ang may-akda ng librong ‘Mga Ibong
Mandaragit’ na si Amado V. Hernandez, ay isang awtor na mapapagtiwalaan dahil
sa kalidad ng mga kanyang sinulat na libro. Ito rin ay dahil sa kanyang mga
parangal at gantimpala tulad na ang pagkagarawan niya sa titulong ‘Pambansang
Alagad ng Sining’ noong 1973 at ilan-ilang gantimpala ng ‘One-Act Play in
Filipino’ noong 1958-1961 dahil sa kanyang mga dula at ibang sulat na sa
ngayon, patuloy pa rin na umaalingawngaw ang
kanyang mga pagkamakabayan na sulat sa mga iba’t ibang paaralan sa Pilipinas.

            Mapapansin
na ang istilo ng awtor sa pagsusulat ay sadyang inahalintulad ng kay Rizal
upang manaig sa mga mambabasa na ito ay kasunod na kabanata ng mga nobela ng
pambansang bayani. Tinututukan sa nobela ang paglalakbay ng bawat pangunahing
tauhan, mga taong nakapalibot pa rito, suliranin, solusyon at kuwento ng
pag-ibig. Ang kinaibahan ng dalawang manunulat ay ang panahong kung kalian
isinulat ang kanilang mga akda kaya naiiba ang mga isyung nakapaloob sa mga
ito. Ang istilo pa ni Hernandez ay ang pagpapalapit niya ng istorya sa
realidad. Sinasalamin nito nang direkta ang mga kaganapan sa panahon niya. Ang
mga kadalasang problema at karanasan ng mga uring-manggagawa. Ang mga tauhan sa
nobela ay mistulang may katumbas din sa tunay na buhay tulad ng mga politiko sa
nobela. Mapangahas ang bawat eksena na nagpapakita nmg bagong mukha (sa panahon
ni Hernandez) ng pagsusulat. Liban sa mapaghimagsik na tema, may mga bagay na
isinama sa kuwento na lumalaban sa tradisyon (norms) noon sa pagsusulat. Ang
mga ito na katulad ng paniniig, aborsyon at pagpatay ng marahas ay ang mga
temang malayo sa tradisyunal noon ng pagsusulat na konserbatibo ngunit naroon
pa rin ang tapang. Ito siguro ang nagustuhan ng mga mambabasa kay Hernandez
noon hanggang ngayon, ang pagiging matapang at mapangahas. 

            Ang kanyang
mga tagumpay ay binubuo ng pagkatamo niya ang ‘Republic Cultural Heritage Award
for Literature’ at Gantimpala ng Lungsod ng Maynila sa Kultura, ng dalawang
Gantimpala ng Commonwealth bago magkadigma. Naging editor ng “Mabuhay” at
kolumnista ng “Taliba”, makalawang naging konsehal ng Maynila, pambansang pangulo
ng ‘Congress of Labor Organizations’, Major ng ‘Anderson Guerillas’ at kagawad
ng ‘International War Crimes Tribunal’ sa London at Stockholm. Kasapi sa ‘Civil
Liberties Union of the Philippines’ at sa ‘National Press Club’. Makailan
siyang naglakbay sa daigdig, kabilang ang dalawang buwan sa China. Hinirang
siya ng ‘Ateneo De Manila University’ na magturo ng “Advanced Tagalog” sapul sa
taong ito, Chairman din siya ng lupon sa ‘Patnubay ng Kalinangan ng Siyudad ng
Maynila’.

            B.
Talambuhay

               Si Amado Vera Hernandez (Setyembre 13, 1903 – Marso 24, 1970); kilala rin bilang Amante Hernani, ang bukodtanging makata at manunulat sa Pilipino ay sumikat dahil sa kanyang paglahok sa “socio-political realm” mula sa pamamagitan ng literatura at sa kanyang pampulitikang paglahok. Nailalarawan din si Amado bilang isang masigla na makabayan o “ardent nationalist”. Nababahala rin niya ang kalagayan ng isang manggagawang Pilipino. Isa rin siyang “Marxist” at “Anti-Imperialist” at kadalasang nakikilala natin dahil sa kanyang mga isinulat na rebolusyonaryong tula. Para gawing simple, ang pangunahing pwedeng ilarawan kay Amado V. Hernandez ay inilalarawan niya ang isang tao na nakatuon para sa pagpapakabuti ng kalagayan ng tao.

 

            Isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog si Amado V. Hernandez. Kilala rin siya bilang “Manunulat
ng mga Manggagawa”, sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong
manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong
tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas. Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila
kung saan nakapag-aral siya sa   Mataas  
na   Paaralan   ng   Maynila 
 at   sa   ‘Amerikanong  
Paaralan   ng  
Pakikipag-ugnayan’ (American Correspondence School). Noong 1932,
napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay
kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining; si Hernandez para sa
Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

               C. Iba pang aklat na nasulat               Maliban sa ‘Mga Ibong Mandaragit’, may mga iba pa siyang sinulat na tungkol sa karanasan niya bilang isang gerilya, bilang isang lider ng paggawa at bilang isang pulitikal na detenido. D. Batayan sa pagsulat ng akda

            Ang batayan ni Amado V. Hernandez sa
pagsusulat ng mga akda ay, sinasalamin niya ang kanyang mga karanasan bilang
isang gerilya, bilang isang lider ng paggawa at bilang isang pulitikal na
detenido. Inaalala niya ang kanyang karanasan nang siya’y sumali sa “Resistance
Movement” nung sumalakayin ng mga Hapon ang Pilipinas noong 1941. Nung siya
naman ay maging isang lider ng paggawa, na maging kasangkot siya sa ilan-ilang
“Labor Unions” sa buong bansa sa pamamagitan ng labor federation, ‘Congress of
Labor Organizations o kung tatawagin, ito ang CLO. Isa siyang impluwensiya ng
pilosopiya ni Karl Marx o ang Marxism na nagsasabi na mayroon dapat isang
dominanteng-uri at isang aping-uri at ito’y ginagawa dahil sa
di-pagkakapantay-pantay ng isang komunidad. Sa mga sumunod na taon,
pinangunahan niya ang
pinakamalaking welga ng paggawa noong panahon na
iyon. Pagkatapos ng isang taon, siya’y naging presidente ng CLO at muli
nagpangunahan siya ng isa pang welga ng paggawa. At noong January 26, 1951,
siya’y na-aresto ng ‘Philippine Military’ dahil sa suspicion na isa siya sa mga
lider ng “open rebellion” at ito’y dahil sa pag-crackdown ng ‘Philippine Military’
laban sa “communist movement”, pero ang totoong batayan ni Amado V. Hernandez
sa pagsusulat ay ang istilo ng pagsusulat niya ay kasingtulad ng kay Rizal
upang manaig sa mga mambabasa na ito’y kasunod na kabanata ng mga nobela ng
pambansang bayani.

 

x

Hi!
I'm Mack!

Would you like to get a custom essay? How about receiving a customized one?

Check it out